Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mangrobang pa-Portugal

0 91

Tinatrabaho ngayon ni Triathlon Association of the Philippines (TRAP) president Tomas Carrasco Jr. ang pagbabalik sa Portugal training camp ni three-time Southeast Asian Games women’s triathlon gold medalist Marion Kim Mangrobang.

Nais ng samahan na makahabol sa world qualifying races ang 29 na taon at taga-Laguna na triathlete kasama ang isa pang male athlete sa takbong muli ng mga karera simula sa March 15 sa hangad na makapasok sa world’s top 75 para makapag-32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan na inurong sa July 2021.

Sakaling pumalya sa World Triathlon top 75 rankings, may tsansa ang ‘Pinas na makapagpadala pa rin ng triathlete sa quadrennial sportsfest via wildcard entry. Nasa 137th sa WT sa ngayon si Mangrobang. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.