Abante Tonite Interactive

Mangudadatu magbibitiw kapag walang nasentensiyahan sa Maguindanao massacre

365

Handang magbitiw si Maguindanao 2nd ­District Rep. Toto ­Mangudadatu kapag hindi maging ­pabor sa mga biktima ng Maguindanao massacre ang gagawing promulgation ng Quezon City ­Regional Trial Court.

Ito ang mariing paha­yag ng kongresista sa gina­nap na Report to the ­Nation forum ng ­National Press Club (NPC) dahil sa dami ng kanilang major ­witnesses at ebidensiya ay kumpiyansa siyang may mahahatulan na akusado lalo na sa ­panig ng Ampatuan.

Ayon kay Mangudadatu, magre-resign na lamang siya kung walang masesentensyahan at hindi nabigyan ng hustisya ang mga biktima at hindi papabor sa kanila ang desisyon.

“Hinahanap natin nga­yon ang hustisya…kaila­ngan managot ang mga suspek sa karumal ­dumal na pagpatay sa 52 ­biktima kasama na ang 32 ­media practitioner noong ­Nobyembre 23, 2009.”

Sinabi pa ni Mangudadatu na isa lamang itong Maguindanao massacre sa ilang mga serye ng pagmasaker sa nasabing lalawigan kaya tiniyak nito na hindi na mauulit pa ang ganung uri ng karahasan dahil natoto na aniya ang mamamayan sa ganu’ng kalakaran.

Umaasa ang kongresista na bago matapos ang taon ay makakamit na ang hustisya sa mga namasaker.

Samantala, sinabi rin ni Executive Director ng Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) Usec Joel Egco na magre­resign din siya kapag walang mahahatulan sa mga suspek sa Maguindanao Massaccre.

Sinabi ni Egco na 197 ang akusado kung saan mula sa nasabing bilang ay 80 pa ang hindi pa naaresto.

Umaasa naman si Egco na mula Nobyembre hanggang Disyembre mababasahan ng sakdal ang mga akusado at umaasa rin ito na makakamit ang hustisya ng mga biktima.

Sa ngayon ay naghahanap pa ng lugar kung saan gaganapin ang promul­gation dahil hindi aniya ito pangkaraniwan. (Mina Aquino)