Abante Tonite Interactive

Manhunt International 2020 tagumpay

480

Naganap noong nakaraang Pebrero 22, 7:00 pm ang final night para sa ‘Manhunt International 2020’ kung saan ang 36 kandidato sa iba’t ibang bansa ay nagpatalbugan.

Ang ‘Manhunt International’ ay isa sa pinakamatagal at prestigious na male modelling competition sa buong mundo. Pangalawang beses nang ginanap sa Pilipinas ang ‘Manhunt International’ na pinamunuan ni Mr. Rosco Dickinson.

Samantalang ang Emphire Philippines naman ang organizer ng event na pinamunuan ni Jonas Gaffud.

Ang nagwagi ay ang kandidato ng Netherlands na si Paul Luzineau, 24 years old. Ang mga runner-up ay sina Brazil, Spain, Greece and India.

So proud ang inyong lingkod dahil naging bahagi tayo ng nasabing prestihiyosong manhunt internatio­nal. Tayo ang napisil na mag-disenyo ng swimwear ng mga candidate.

Tumayo namang director ng matagumpay na ­manhunt ay si Borg Roxas ng Emphire Philippines.

Nagpapasalamat ang Manhunt International 2020 sa mga sponsor na kinabi­bilangan ng Fox Undergarments by Gentrip Islanders, World Balance shoes by Gentrip islanders, John Guarnes, McDonalds, Iskin, Canyon Cove, Seafood Island, Bless Amare, The Mini Suits Eton, F1 Hotel, New Frontier Theatre, loo chang huat, Rudy Project, Cetaphil, DTCam, Lungsod ng Maynila, EmpirePH, Game, Brand Ventures Inc., Events Estudio Salon, Summit ­Water, Vitamilk.