Abante Tonite Interactive

Manhunt sa killers ni judge

By
8

Iniutos ni Police Regional Office Region 13 (PRO) Director Chief Supt. Rolando Felix ang paglunsad ng pursuit ope­rations laban sa mga res­ponsable sa pamamaril at pagpatay kay Judge Godofredo Abul Jr., presiding judge ng Regional­ Trial­ Court, Branch 4, Hall of Justice na nakabase sa Brgy. Libertad sa Butuan.

Ayon kay Supt. Martin Gamba, information officer ng PRO-13, iniutos na rin ni Felix ang pagbuo ng investigating body upang tumulong sa mga tauhan ng Butuan City Police Station 4 sa kanilang imbestigasyon.

Para naman sa agarang ikalulutas ng krimen ay nananawagan ang opis­yal sa lahat na makipag-ugnayan sa pinakamalapit na police station sakaling may makukuhang impormasyon ukol sa mga suspek lalo na sa kanilang ­lokasyon.

Hindi umano makapapayag ang PRO-13 na ma-intimidate ng mga kriminal ang mga huwes sa ­rehiyon ng Caraga.