Abante Tonite Interactive

Mani nakakatulong makabuo ng ‘junior’?

By
1,043

Kapag madaling gawin ang isang bagay, kadalasang sinasabi ang katagang ‘sisiw lang’ yan o ‘maning-mani.’

Napag-usapan na rin lang ang mani – alam n’yo bang ang pagkain ng mani ay di lang nakakadagdag ng bilang ng sperm kundi mainam din sa ‘tamod’ ng kalalakihan lalo na sa mga bagets?

Sa ulat ng Agence France-Presse base na rin sa isang isi­nagawang pag-aaral sa bansang Paris, 119 bilang ng mga lalaking nasa edad 18 hanggang 35 ang hinikayat ng mga ­researchers at hinati nila ang mga ito sa dalawang grupo.

Isa sa grupo ay pinakain nila ng 60 grams ng almond, hazelnut at walnut araw-araw (sa loob ng mahigit tatlong buwan) kasabay ng kanilang ‘wes­tern style diet’ habang ang kahating grupo ay kanilang pinag-diyeta o hindi nila pinakain ng nabanggit na mga mani.

Makalipas ang 14 linggo nilang pag-aaral, ang ‘nut group’ o yaong mga adan na kumain ng mga mani ay mistulang naging mga magigiting na mandirigma dahil nadagdagan ang kanilang sperm count, vitality, motility (movement) at morpho­logy (shape).

Ang resulta ng nasabing pag-aaral ay inilatag ng grupo sa isang meeting sa European Society of Human Reproduction and Embryology sa Barcelona.

Ibig sabihin ba nito’y mabisa ang mani para makabuo ng kanyang ‘junior’ o supling ang isang lalaki?

“We can’t yet say that,” saad ni study co-author Albert Salas-Huetos of the Rovira i Virgili University ng Spain.