Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mani-pedicure service go signal na lang ng DTI

0 192

Inanunsyo ng Palasyo na guidelines na lang ang hinihintay para muling makapagbigay ng ibang serbisyo ang mga barbershop at salon.

Sa virtual press briefing nitong Biyernes, sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na aprubado na sa Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Disease ang pagbabalik ng ibang serbisyo sa mga salon at barberya maliban sa gupit ng buhok.

Pero aniya, “Yung mga pedicure, manicure antayin muna po ang guidelines bagamat in principle papayagan po yan antayin lang natin ang guidelines ng DTI (Department of Trade and Industry).” (Prince Golez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.