Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Manila Arena 2 beses hinagisan ng granada

0 187

Masusing iniimbestigahan ng Manila Police District (MPD) kung ano ang motibo ng magkasunod na paghahagis ng granada sa Manila Arena na matatagpuan sa New Panaderos, Sta. Ana, Maynila kamakailan.

Ayon sa ulat ng MPD-Explosive and Ordnance Division (EOD) kay MPD Director P/BGen. Leo Francisco, unang hinagisan ng granada ang main entrance ng Manila Arena nitong Enero 27 nang alas-6:02 ng gabi.

Ayon sa security guard na si Mark Joseph Parajes, nasa entrance gate siya nang makita niya ang dalawang suspek na riding-in-tandem na dumating at mabagal na pinatakbo ang motorsiklo, at makalipas ang ilang sandali ay nakita niya ang backride na naghagis ng granada.

Tumakas umano ang dalawang suspek patungo sa direksiyon ng Lambingan Bridge.

Hindi naman sumabog ang granada at matagumpay na naialis ng mga tauhan ng EOD.

Samantala, muling hinagisan ng granada ang nasabing sabungan pasado alas-singko kahapon ng hapon.

Nakita umano ng guwardiya ang isang MK2 grenade na walang pin matapos na umalis ang mga pumasok na sasakyan sa compound ng Manila Arena.

Nabatid na wala namang iniulat ang EOD na namatay o nasaktan sa dalawang beses na paghahagis ng granada sa nasabing sabungan. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.