Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Manila Bay matagal pa malalanguyan

0 253

Bibilang pa ng maraming taon bago muling malanguyan ang Manila Bay, ayon kay House Deputy Speaker at Buhay party-list Rep. Lito Atienza.

Sabi ni Atienza, umaabot pa sa 85% o 13.9 milyong populasyon ang hindi pa nakakabit sa sewerage network kaya umaagos pa rin ang dumi ng kanilang mga palikuran sa Manila Bay.

Upang malanguyan ang Manila Bay ang fecal coliform level nito ay dapat hindi lalagpas sa 200 most probable number (MPN) per 100 milliliters (ml) batay sa pagtataya ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).

SM SuperKidsDay Banner Ad

Batay umano sa 21 monitoring station ng DENR sa paligid ng Manila Bay, ang average fecal coliform level nito ay 4.87 million MPN/100ml.

Maaaring makakuha ng viral at bacterial gastroenteritis, hepatitis, dysentery, typhoid fever at impeksyon ang lalangoy sa Manila Bay.

Sinabi ni Atienza na dapat puwersahin ng DENR ang implementasyon ng Clean Water Act of 2004 para maikabit ang sewerage network. (Billy Begas)

Leave A Reply

Your email address will not be published.