Abante Tonite Interactive

Manila Bay reclamation hahalukayin ng Senado

By
0 194

Ikinukunsidera ni Senate committee on tou­rism Chairperson Sen. Nancy Binay na magsagawa ng imbestigasyon hinggil sa sinasabing reclamation project sa Manila Bay.

Ito ay kasunod ng mga impormasyon na paghahanda sa reclamation ang isinasagawa ngayong pag­lilinis sa Manila Bay.
Bagama’t hindi kumbinsido si Binay na may katotohanan ang mga impormasyon, sinabi nito na posibleng maghain siya ng resolusyon para sa pagsisiyasat sa pagbabalik nila ng sesyon sa Mayo.

“Sigurado na ba? Totoo ba ‘yun? Ako, unang-una parang hindi ako sang-ayon sa reclamation kasi nakita n’yo naman ang sunset sa Manila Bay, world famous ‘yun. Baka hindi naman, baka walang katotohanan, baka fake news lang ‘yan,” saad ni Binay.

Sa kabila nito, mas maigi na rin aniyang madinig ang bawat panig sa alegasyon ng reclamation.

“Maganda pagbalik namin, meron pa naman kaming 9 session days. Siguro puwedeng mag-file ng reso investigating itong Manila Bay reclamation,” dagdag ng senador.