Abante Tonite Interactive

Manila Bay reclamation project tinabla ni Digong

0 376

Hindi palulusutin ni Pangulong Rod­rigo Duterte ang mga ikinakasang reclamation project sa Manila Bay mula Navotas City hanggang Cavite.

Ito ang inihayag ng Pangulo sa isang pa­nayam sa kanya sa radyo hinggil sa nakalinyang 25 reclamation project sa kahabaan ng Manila Bay na aabot sa tinatang 10,000 hektarya.

Sinabi ng Pangulo na isang malaking kalokohan ang mga pla­nong reclamation pro­ject at hindi niya ito aaprubahan.

Mahalaga aniyang maprotektahan ang kapakanan at kaligtasan ng mamamayan lalo na sa galit ng kalikasan.

“That is stupefying. I am not ready for that. I am not even ready to say that I will grant it. Not in my time. As long as there is no guarantee that the environment will be protected and the health of the people should also be safeguarded,” anang Pangulo.

Kinuwestiyon ni Pangulong Duterte kung paano ang gagawin sa malawak na karagatan at kung ano ang gagawin sa tubig sakaling matabunan ito.

Sabi ng Pangulo, hindi niya lubos maisip ang gagawing reclamation project sa Manila Bay kaya dapat masusing tingnan ito at hindi niya papayagang maipatupad ito sa ilalim ng kanyang administrasyon. (Aileen Taliping)