Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Manila Bay rehab pinasisilip sa SC, COA

0 61

Kailangang panghimasukan na ng Supreme Court (SC) at Commission on Audit (COA) ang isyu sa Manila Bay rehabilitation project para mapangalagaan ang kalikasan at ang kabayan ng bayan.

Panawagan ito ni Infrawatch PH convenor Terry Ridon kasabay ng pahayag na kailangang linawin umano ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang kuwenta ng project cost para sa Manila Bay rehabilitation dahil sa diumano’y tubong lugaw ito.

Ayon kay Infrawatch PH convenor Terry Ridon, 54% hanggang 64% ang tubo sa proyekto at imposibleng umabot sa P389 milyon ang halaga ng `white sand’ na tinatambak sa Manila Bay na babaybay mula US Embassy hanggang breakwater ng Manila Yacht Club.

Sa kuwenta ng InfraWatch PH, P118.82 milyon lamang ang halaga ng proyekto kasama na ang P28 milyong halaga ng dolomite sand.

Base umano sa supplemental bulletin ng DPWH tungkol sa proyekto, ang earthworks na gagawin lamang ay ang backfilling o tatabunan ang ilang bahagi ng lugar, paglatag ng geotextile para kapitan ng buhanging tinambak, at top filling kung saan bubuhusan na ng white sand ito.

“The greatest insult to the public is spending P389-Million for what DENR [Department of Environment and Natural Resources (DENR) officials admit as a ‘short-term’ intervention to the very real problem of pollution in Manila Bay,” sabi ni Ridon.

Panawagan niya, dapat nang buhayin agad ng Supreme Court ang Manila Bay Advisory Committee para magkaalaman na kung dumaan ang proyekto sa tamang proseso. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.