Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Manila Bay `white sand’ walang ECC

0 160

Pinaalalahanan ni dating presidential adviser for the urban poor na si Terry Ridon si Pangulong Duterte na nilabag ng Manila Bay project ang mga environmental regulations, particular na ang pagkuha ng Environment Compliance Certificate na patakaran pa mismo ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).

“Mr President, the Manila Bay white sand project did not comply with environmental regulations. It has no ECC despite being located in an area with tourist potential and unique historical interest,” sabi ni Ridon na dating congressman at convenor ng Infrawatch PH.

Ayon sa ex-solon, ang Manila Bay rehabilitation project ay para mapaganda ang tubig at biodiversity sa lugar at hindi para gawin itong palamuti.

Paalala pa nito sa Pangulo, puno pa ng duda sa overpricing ng proyekto dahil sa aniya’y iisa lang ang bidder, masyadong malapit ang bid sa inaprubang budget, hindi nag-alok ng discount ang bidder bukod pa sa hindi nakipagnegosasyon ang DPWH para mapababa ang presyo.

Sabi ni Ridon, kailangang imbestigahan ang proyekto dahil sa mga katanungang ito.

Dagdag pa niya, tatlong linggo na ang nakalilipas ngunit hindi pa rin isinisiwalat ng DPWH ang mga ginastos sa proyekto at mas magandang ipakita n anito ang mga dokumento tungkol dito at malinawan na kung magkano talaga ang nagastos dito. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.