Abante Tonite Interactive

Manila BOSS pinapagaya sa ibang LGU

414

By Juliet de Loza-Cudia

Hinimok ng Anti Red Tape Authority (ARTA) ang lahat ng Local Government Units (ARTA) na magtayo na rin ng Business One Stop Shop (BOSS) para mapadali ang pagsasaayos ng business permit, kasunod ng paglikha nito ng lokal na pamahalaang ng Maynila.

Ikinatuwa naman ni Atty. Jeremiah Belgica, director general ng ARTA, ang Manila BOSS na binuo ni Manila Mayor Francisco ‘Isko’ Moreno Domagoso.

Abante Hiring – IT dep

Sinabi ni Belgica, na lahat ng LGUI executives ay dapat magkaroon ng inisyatiba para mapabilis ang transaksiyong ng publiko sa mga lokal na pamahalaan.

Una nang nag isyu ng Executive Order no.8 si Moreno na lumikha sa Manila BOSS at simula ngayon araw (Hulyo 22) ay magbubukas na ang Manila BOSS kung saan ginarantiyahan na isang araw lamang ay matatapos na ang pag proseso sa business permit.

Umaabot umano dati sa 8 hanggang isang buwan bago maisaayos ang business permit sa Maynila.

Nilagdaan ni Moreno ang EO 8,alinsunod sa Republic Act 11032, kilala bilang Ease of Doing Business and Efficient Government Service Deli-very Act of 2018.

Kasama sa streamlining ang pag-iisyu ng local business licenses, clearances, permits, certification at authorizations, gayundin ang paggalaw ng mga dokumento sa mga departamento at tanggapan.

Nalaman na ang BOSS ay isang lugar para sa Business Permits and Licensing System (BPLS) ng Local government unit(lgu) na tatanggap ng aplikasyon,bayad at nag-iisyu ng inaprubahang lisensiya, clearance, permit at authorizations.

Bukod sa Bureau of Permits at License Division, isinama rin ni Moreno sa BOSS ,ang mga tanggapan ng City Treasury Cash Division, City Planing and Development office (CPDO) Zoning Division, City Engineering/Building Office including its Electrical Division, Manila Health Department, Electronic Data Processing (EDP), at iba pang re-gulatory Offices.