Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Manila council kinalampag vs ordinance sa pagbili ng lupa ni Yorme

0 341

Umapela si Manila City 2nd District Congressman Rolan ‘CRV’ Valeriano na pabilisin ang pagpasa ng City Ordinance (CO) na magbibigay kapangyarihan kay Manila Mayor Isko Moreno Domagoso na bilhin ang lupa ng Manotoc State sa Brgy. 184 Zone 16 sa Tondo, Maynila.

Sinabi ni Valeriano, na napakahalaga ng naturang ordinansa dahil ito ang tatapos sa matagal nang suliranin ng may 500 pamilya na matagal nang naninirahan sa 2.4 ektaryang lupa na pag-aari ng Manotoc family.

Ayon sa kongresista, nailapit na sa iba’t ibang nakaraang administrasyon ng Maynila at ngayon lamang magkakaroon ng katuparan.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Samantala, sinabi naman ni Manila 2nd District Councilor Macky Lacson, chairman ng Committee on Urban Housing ng City Council na natapos na nila ang first reading at sa lalong madaling panahon ay maipapasa na ang naturang ordinansa.

Unang na-demolish ang 12 pamilya katumbas ng 60 indibidual ang nawalan ng tahanan at nagpasaklolo kay Valeriano, upang magkaroon ng mabilisang aksyon nakipag-usap ang mambabatas kay Domagoso, upang maisulong ang paglalaan ng pondo sa pambili ng lupa.

Wala na ring magaganap na demolisyon, batay sa inilabas na desisyon ng korte na Writ of Possession na nilagdaan ni Judge Jimmy Santiago ng Manila Regional Trial Court. (Mina Navarro)

Leave A Reply

Your email address will not be published.