Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Manila drive-thru testing center dinagdagan

0 221

Bubuksan ni Manila City Mayor Isko Moreno ang isa pang drive-thru testing center para sa COVID-19 sa lungsod.

Ipinasiya umano ito ng alkalde dahil sa pagsisikip ng daloy ng trapiko matapos dumagsa ang mga motorista na gustong magpa-COVID test. Nalaman na ang pila ng mga motorista na gustong magpa-test ay umabot hanggang sa United Nation Avenue mula sa Bonifacio Shrine sa tabi ng Manila City Hall.

Matapos makipag-usap kay National Parks Development Committee (NPDC) Executive Director Cecille Lorenzana-Romero, napagkasunduan na maglagay ng panibagong testing site sa may Quirino Grandstand.

“Dito po, mas malaki, mas mahaba, at mas convenient,” ayon kay Moreno matapos na inspeksyonin ang lugar. Dagdag niya, “Bigyan niyo lang ako 48 hours. I will do my very best with the help of our co-workers. Pipilitin namin lagi magbuti, to be better, we will continue to listen to you. we will continue to adapt sensible suggestions.”

Kaya umanong mag-test dito ng hanggang 700 katao at lalagyan rin ng lane para sa mga tricycle, pedicab, motorsiklo at iba pang non-motorized vehicle ang drive-thru COVID test. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.