Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Manila Field Hospital naghahanap 200 kawani

0 100

Simula na ang hiring ng may 200 staff para sa operasyon ng Manila COVID-19 Field Hospital na natapos nang itayo sa Rizal Park sa Maynila.

Nabatid kay Manila Mayor Francisco Domagoso na bubuksan na ang pagamutan sa Hunyo 24, sa ika-450 anibersaryo ng pagkakatatag ng lungsod.

Ang ospital ay may 336 kama at natapos sa record time na 52 araw, walong araw na mas maaga sa itinakda ni Moreno.

Bilin ng alkalde sa mga magiging kawani ng field hospital, tanggapin ang lahat ng mga pasyenteng papasok at huwag tatanggihan kahit hindi ito mga taga-Maynila. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.