Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Manila LGU may pre-registration sa libreng bakuna

0 200

Nilunsad ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang website na nilaan para makapagpre-register ang mga residente na gustong maturukan ng COVID-19 vaccine nang libre sakaling magkaroon na nito sa bansa.

“Good morning Manila! Bagong taon bagong pag-asa! Samahan n’yo po kami na maghanda sa inaasahan bakuna sa mga darating na buwan ng 2021,” wika ni Manila City Mayor Isko Moreno at hinikayat na magpre-register ang mga nasasakupan sa www.manilacovid19vaccine.com.

“Daig ng maagap ang masipag. Please share this info to your family and friends,” dagdag niya.

Naglabas din ng video ang Manila public information office na nagpapaliwanag sa proseso ng pagpaparehistro para sa nasabing portal. (SDC)

Leave A Reply

Your email address will not be published.