Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Manila LGU target maglagay ng walk-in testing

0 181

Maglalagay naman ng walk-in COVID-19 testing si Manila Mayor Isko Moreno local government unit para sa mga indibiduwal na walang sasakyan pero gustong magpa sumailalim sa test.

Sa inisyal na plano, ang mga walk-in ay ilalagay sa isang lugar sa kada hospital. Naisip umano ito ng alkalde nang duagsa ang tanong sa kanyang tanggapan kung maaari ba na ang mga ordinaryong indibiduwal ay payagan na masuri.

Matatandaan na noong Hulyo 15 ay binuksan sa lungsod ang unang drive-thru COVID-19 testing center sa harap ng Bonifacio Shrine. Nasundan ito agad ng pangalawang testing center sa harap ng Quirino Grandstand. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.