Abante Tonite Interactive

Manila lulubog sa plastic sachet

166

Posibleng dumating ang araw na lulubog sa mga basurang plastic sachet ang Metro Manila kung hindi mapipigilan ang pagtatapon nito, ayon sa inilabas na pag-aaral ng isang non-government organization.

Batay ito sa ‘Plastics exposed: How waste assessments and brand audits are helping Philippine ci­ties fight plastic pollution’ na inilabas ng Global Alliance for Incinerator Alternatives (GAIA), sa loob ng isang araw lamang ay umaabot sa mahigit 163 milyong plastic sachet ng iba’t ibang produkto ang ginagamit ng mga Pilipino.

Bukod sa mga plastic sachet na karaniwang nilalagyan ng toothpaste at shampoo na ginagamit sa pang-araw-araw ng mga Pilipino ay lumalabas din sa pag-aaral na 48 milyong plastic bag, 45 milyong thin-film bag at tatlong mil­yong diaper ang naiipong basura ng mga Pinoy.

Binigyan-diin ng GAIA na malaking hadlang para sa maayos na water and resource management ang single-use ng mga dispo­sable plastic kung kaya’t nanawagan ito sa pamahalaan at mga manufacturer para i-regulate at ipatigil ang paggawa ng mga single-use plastic.

Sa kabila umano ng zero waste program ng mga lokal na pamahalaan ay hindi pa rin napipigilan ang pagtatapon ng mga plastic.

“The problem is the huge amount of single-use plastics being produced – not just the way waste is managed,” ayon kay GAIA Asia-Pacific Executive Director Froilan Grate.

Binanggit pa sa report na may sampong kompanya ang reponsable sa 60% ng mga branded plastic waste sa Metro Manila habang apat na multinatio­nal company ang responsable naman sa 36% plastic na basurang naiipon sa lungsod.