Abante Tonite Interactive

Manila mas ligtas kaysa Amerika — Duterte

331

Ipinagmalaki ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga mi­yembro ng Diplomatic Corps na mas ligtas maglakad sa Manila kumpara sa ilang estado sa Amerika.

Sa harap na rin ito ng bumabang crime rate sa bansa na resulta ng maigting na operasyon ng mga awtoridad laban sa mga masasamang elemento pati na rin ang mga sangkot sa iligal na droga.

Sinabi ng Pangulo noong Miyerkoles nang gabi na bahagya nang payapa ang bansa hindi katulad noon na laganap ang krimen.

Tiniyak ni Pangulong Duterte sa mga ambassador at diplomat sa bansa na kapag maglakad sila sa Manila ay walang mana­nakit sa kanila dahil maa­yos at mapayapa na ang sitwasyon.

Kung mayroon man aniyang malas na karanasan, tiyak umanong may kinalaman ito sa iligal na droga gaya ng shabu.

Sinabi ng Pangulo na 49% na ang ibinaba ng krimen sa bansa na patunay na epektibo ang mga ginagawang hakbang ng mga awtoridad laban sa mga masasamang elemento sa lipunan. (Aileen Tali­ping)