Abante Tonite Interactive

Manila nanguna sa 1-2 sakop ng WGR bets sa Caliraya 34K

0 203

‘Di naging hadlang para sa isang pambato ng BGC, Taguig-based Wednesday Group of Runners na si Mitch Manila ang kakulangan ng milyahe at pagkakaroon ng buwanang dalaw upang makapagpakita pa rin ng gilas sa kumaripas nitong Linggo, Setyembre 1 sa centerpiere 34K women’s division ng 7th Caliraya Run 2019 paalis at pabalik sa Caliraya, Lumban, Laguna.

Nagkampeon ang 31-anyos na dalagang tubong Parañaque City pero residente na ng Pasig City at isang

Insurance/BPO support officer QBE GSSC, nang alpasan si teammate Brenda Lyn Balucas sa huling 10-kilometro at sa last 4K ang nagtatrangkang si Luzviminda Loquero.

“Nahirapan ako dahil wala akong baong mileage. May menstruation pa ko kaya ang hirap. Pero pinilit ko. ‘Di ko po ini-expect na mag-podium pa ako dahil wala sa condition katawan ko. Kaya lang dahil sa determination at sa tulong ng adrenaline, natapos ko pa rin ng maayos,” litanya ni Manila, na tinugaygay ang ruta sa loob ng 3 hrs., 20 mins. at 58 secs.

Pinasalamatan din niya ang Pasig City City Running Club sa pag-isponsor sa kanya sa 5-in-1 footrace.

Sumegunda si Balucas sa 3:25:04) para sa 1-2 finish ng WGR bets, at tumersera si Loquero sa clocking na 3:27:29.

Top 3 winners sa men’s side sina Badz Polillo (2:26:24), Zaldy Villarama (2:33:05) at Willy Plano (2:47:25).

Uno-dos-tres sa 20K male & female sina Ardy Malimata (1:1940), Neil Jhon Pasco (1:22:14) at Gio Clumera Ornada (1:34:12), at sina Reva Soto (1:53:41), Myra Estores Potenciano (2:22:38) at Zeth Cleofe (2:24:24).

Nag-1-2-3 sa 8K sina Joshua Belen (33:26), Jeffrey Hermosada (34:21) at Peejay Tan (35:30) sa mga lalaki, at sina Jenny Candicho (48:44), Alona Heinzy de Salit (49:10) at Catherine Adapon (1:10:26) sa mga babae.

Habang mga nagsipamayagpag sa 4K boys sina Daniel Banalo (21:40), Gilbert Maghilong (22:41) at Canimio Alvarez, Jr. (23:04), at sa girls sina Beatrice Leyona (31:29), Myra Luzviminda Gomus-Abueg (32:42) at Melissa May Alday (33:59).(RDC)