Abante Tonite Interactive

Manila napisil na pilot area sa ‘Disiplina Muna’ advocacy

0 152

Napisil ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang Maynila bilang pilot area sa ilulunsad na nationwide campaign na ‘Disiplina Muna’.

Lubos naman ang kasiyahan ni Manila Mayor Francisco ‘Isko’ Moreno Domagoso sa pagkakapili ni DILG Secretary Eduardo Año sa Maynila bilang pilot area para sa kampanya.

Sinabi ni Moreno na natutuwa siya at nagsilbing inspirasyon ang makabuluhang pagbabago na isinagawa niya sa Maynila.

“What you’ve seen before in Manila… ‘yung mga programa.. sa tingin ko ‘pag natupad nang maayos ng enforcers at mga halal ng bayan, tingin ko aaliwalas ang ating bansa,” ayon kay Moreno.

Sinabi pa ng alkalde na nagkataon lamang at nasa likod niya ang mga city councilor sa pangu­nguna ni Vice Mayor at council presiding officer Honey Lacuna, 10,000 barangay official at 20,000 barangay tanod para maipaabot sa pinakamababang lebel ng lipuban ang kampanyang pagsasaayos ng Maynila.

“Mataas ang expectations sa atin (Manila) but if we fail which we are not worried about, I would rather that we fail while trying than not try at all,” dagdag pa nito. (Juliet de Loza-Cudia)