Abante Tonite Interactive

Manila Open Poker Tour

138

Habang ginugunita natin ang ating mga yumaong mahal sa buhay sa darating na Biyernes (Nobyembre 1), nagsisimula naman ang aksyon sa unang edisyon ng Manila Open Poker Tour sa Okada.

Apat na araw lang ang nasabing serye kaya naman sa unang araw pa lang ay lalarga na ang Day 1A ng Main Event na may garantisadong premyong P10M.
Pero tulad ng ibang serye na inorganisa ng Poker­Stars, ‘di pa rin mawawala ang Kickoff Event na siyang unang nakalinya sa opening day.

Meron ding Super Satellite sa unang araw kung saan didiretso sa Day 1A ng Main Event ang mga makakapasok. Dahil sa laki ng kailangang buy-in sa Main Event (P50,000), marami siguradong magbabakasakali na suwertehin sa Super Satellite na meron lang buy-in na P5,000.

Dahil walang pasok sa Biyernes, susubukan ng inyong lingkod na sumali sa Super Satellite. Magbabakasakali ako na makakuha ng upuan sa Main Event.
Maliit lang ang starting stack sa mga satellite event kaya kailangan na maging maganda ang iyong simula. Pero dapat na ma­ging maingat sa bandang dulo dahil ang objective mo sa satellite event ay mag-survive at ‘di makuha ang lahat ng chips.

May ilang pagkakataon na rin na nakalusot sa mga satellite events ang inyong lingkod kahit na puro fold na lang ang ginagawa ko sa dulo.
Sana ay makatsamba ako ulit sa Undas.

Bago tayo matapos ay nais nating i-congratulate ang ating kaibigang chess coach at poker player na si Marguel Soria.

Ilang araw tapos manalo sa isang event sa Metro, pumanglima naman siya sa isang online tournament kung saan ang top prize ay P120,000. Naging chip leader pa siya sa final table pero medyo kinapos lang sa dulo.