Abante Tonite Interactive

Manila Police District namatayan ng preso

By
163

Isang preso ng Manila Police District-Station 1 ang nasawi matapos na makaramdam ng paninikip ng dibdib at nahirapan sa kanyang paghinga habang nakakulong sa selda ng nasabing presinto sa Tondo, kahapon nang umaga.

Kinilala ni MPD-Station 1 commander Supt. Jay Dimaandal ang namatay na preso na si Rodolfo Peñaflor, 43-anyos at nakatira sa Maria Guizon St., Gagalangin, Tondo.

Nalaman na dakong alas-dos nang mada­ling-araw nang ipaalam sa jail officer ang kalagayan ni Peñaflor.

Mabilis naman itong isinugod sa Tondo Medical Center pero idineklarang dead-on-arrival.

Ayon sa rekord ng pulisya, naaresto si Peñaflor noong Hulyo 1 dahil sa droga at hinihintay na lamang ang resolusyon ng kaso nito nang maganap ang insidente.