Abante Tonite Interactive

Manila, QC RTC awtorisado sa search warrant nationwide

0 127

Inihayag ng Supreme Court (SC) na awtorisado ang mga executive judge ng Manila at Quezon City ­Regional Trial Court na mag-isyu ng search warrant na ipatutupad saan mang panig ng bansa.

Ito ang nilinaw ni SC spokesperson Atty. Brian Keith Hosaka kasunod ng ginawang pagsalakay ng mga ­awtoridad sa mga tanggapan ng Bagong ­Alyansang Makabayan, Kilusang Mayo Uno, Anakpawis, ­Gabriela, at National Federation of Sugar Workers sa Bacolod City.

Gayunman, sinabi rin ni Hosaka na agad inatasan ni Chief Justice Diosdado Peralta ang Court ­Administrator na paalalahanan ang mga hukom na maging ­maayos sa pag-iisyu ng mga search warrant matapos ­hilingin ni Bayan Muna chairman Neri Colmenares sa SC na ­rebisahin ang aksyon na ginawa ng mga hukom na ­nag-isyu ng warrant.

Sinabi pa ni Hosaka na maaaring maghain ng reklamo ang subject ng warrant kung sa tingin nito ay agrabiyado siya sa pamamagitan ng motion to quash sa korte na nag-isyu ng warrant laban sa kanila o kung saan mang hukuman isinampa ang kaso laban sa kanila. (Juliet de Loza-Cudia/Lorraine Gamo)