Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Manila Restaurant Week ibabalik sa Maynila

0 132

Ibabalik ni Manila Mayor Isko Moreno ang ikalawang taon ng Manila Restaurant Week (MRW).

Ito ay bilang bahagi ng selebrasyon ng ika-450 taong anibersaryo Araw ng Maynila sa Hunyo 24.

Sinabi ni Moreno na base sa plano na iprinisinta ng hepe ng Bureau of Permits na si Levi Facundo, magbabalik ang MRW sa tinatawag na ‘Frozen Weekends’ mula Hunyo 20 hanggang Hulyo 4, 2021.

Nabatid na ang mga restaurant ay maaaring sumali ng libre at kailangan lang nilang magpadala ng letter of intent at contact information sa pamamagitan ng email sa permits@manila.gov.ph.

Hinikayat ni Moreno ang publiko na suportahan at tangkilikin ang mga restaurant sa Maynila upang makatulong sa pagsigla ng ekonomiya.

Sinabi naman ni Favundo “joining this gastronomical event is absolutely free! Get first dibs on exclusive MRW deals and discounts from your favorite participating restaurants by following our Facebook official page @manilarestaurantweek for news and updates.”

Sinabi pa ni Facundo, ang offer na frozen products ay gagawin lamang tuwing weekends, pero maaari din namang gumawa ng sarili nilang gimmick ang mga lalahok na restaurant sa loob ng dalawang linggong event.

Ayon pa kay Facundo may dagdag na diskwento sa Hunyo 24 sa mismong araw ng selebrasyon ng ‘Araw ng Maynila’ para sa mga frozen products tulad ng ice cream, yogurt at frozen margaritas at iba pa kapag weekends.

Maari ding magbigay ang mga restaurant ng libreng frozen desserts bilang bahagi ng MRW sa weekends (June 20, 25 hanggang 27 at mula July 2 hanggang 4), ayon pa kay Facundo.

Ang mga interesado ay maaring magpasa ng kumpletong application form at i-email na may contact information kasama ng kanilang plano, larawan ng mga nakakaengganyong pagkain at company logo.(Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.