Abante Tonite Interactive

MANILA, SARANGANI WAGI NG BRONZE

By
11

Wagi ang International Little League Association of Manila at Sarangani sa bronze medal matches samantalang sa gold games ang Korea at Australia sa tiklop kahapon ng 2016 Asia Pacific Regional Baseball Tournament sa Clark International Sports Complex-The Villages sa Mabalacat, Pampanga.

Lusot ang ILLAM sa dethroned champion Commonwealth of Northern Marana Island, 7-3, sa Senior League kung saan 1-2, ang Australia at Guam, habang naitakas naman ng Sarangani ang 13-12, decision sa Hong Kong sa Intermediate League na rito’y pumrimera’t sumegunda ang Korea at Japan.

Pinulbos ng Australians ang Guaminians, 10-0, para sa unang AsPac senior league crown at makatapak sa maiden stint sa Senior League Baseball World Series sa Bangor, Maine ssa Hulyo 31-Agosto 6, samantalang sinupalpal din ng Koreans ang Japanese, 11-0, at magmartsa rin sa World Series sa Livermore, California.