Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Manila traffic top 2 na pinakamalala sa mundo

0 97

Napanatili ng Maynila ang ranking nito na pangalawang lungsod na may pinakamalalang trapiko sa mundo.

Sumunod ang kabisera ng Pilipinas sa Moscow region ng Russia, ayon sa report ng TomTom, isang Netherlands-based company.

Kapantay ng Manila ang Bogota sa Colombia at Mumbai sa India na pawang may nasasayang na 53 porsiyentong extra travel time dahil sa mabigat na trapiko.

Magugunitang Top 2 din ang Manila sa mga lungsod na may pinakamalalang trapiko sa mundo sa 2019 traffic index.

Ayon sa TomTom, nagbago ang traffic situation ng mga bansa noong 2020 dahil sa COVID-19 lockdowns
“The COVID-19 pandemic has dramatically changed the way we live, work, and move. Lockdowns, remote working, and other restrictions on movement have transformed patterns of movement and reduced traffic congestion in most cities,” dagdag ng kompanya.

Sakop ng Traffic Index 2020 ng TomTom ang 416 siyudad sa may 57 bansa. (Riley Cea)

Leave A Reply

Your email address will not be published.