Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Manila Water hindi na sisingilin gobyerno – Guevarra

0 449

Hindi na kukubrahin ng Manila Water sa gobyerno ang napanalunang danyos na iginawad ng Singapore Arbitration Tribunal kaugnay sa kanilang naging lugi sa operasyon ng kompanya.

Inihayag ito ni Department of Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevarra kasunod ng anunsiyo na mayroon ng bagong concession agreement sa pagitan ng Manila Water at gobyerno.

Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ng kalihim na kasabay ng bagong kontrata ang Deed of Settlement na pinirmahan ng magkabilang panig para ayusin ang mga claim sa lumang kontrata.

“Doon sa new concession agreement ay mayroong provision doon about yong waiver ng claims. Mayroon ding kasabay na Deed of Settlement na pinirmahan ng both parties, pertaining to the claims arising from the contact itself, gaya nung ini-award ng Singapore Arbitration Tribunal,” ani Guevarra.

Gayunman, ibang usapan aniya ang criminal liability ng Manila Water at kailangan itong masusing pag-aralan ng gobyerno.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sinabi ni Guevarra na sa ngayon ay wala pa namang nagpahayag ng interes na maghabol sa Manila Water at maging sa Maynilad kaugnay sa sobrang nasingil sa mga kustomer nila, partikular ang ilang taong paniningil para sa itatayong water treatment facility na hanggang ngayon ay walang maipakita ang dalawang water company.

“Right now we have not heard of any party who has filed or is attempting of thinking of filing something like that with the Office of the Ombudsman or with the Department of Justice,” dagdag ni Guevarra. (Aileen Taliping)

Hindi na kukubrahin ng Manila Water sa gobyerno ang napanalunang danyos na iginawad ng Singapore Arbitration Tribunal kaugnay sa kanilang naging lugi sa operasyon ng kompanya.

Manila Water hindi na sisingilin gobyerno – Guevarra


#TunayNaTabloidista
#ToniteNews
#ManilaWater

Leave A Reply

Your email address will not be published.