Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Manileno nakapkapan ng shabu sa curfew

0 229

Arestado ang isang 33-anyos na nasa drug watch list ng Manila Police District – Police Station 11 na unang sinita dahil sa paglabag sa curfew ordinance kamakalawa ng gabi sa Binondo, Maynila.

Nakumpiska sa suspek na si Bryan Brinson alyas Bryan, taga- 565 Delpan Street, Brgy. 286, Binondo, Maynila, ang 1 gramo ng shabu na nagkakahalagang P6,800.

Sa imbestigasyon ng MPD-PS 11 nagsasagawa ng Oplan Sita sa may panulukan ng Escolta at Paredes Sts., Binondo, Maynila nang mamataan ang suspek alas-10:00 ng gabi.

Nang sitahin at kapkapan, nakuhaan ito ng sachet ng shabu.

Ang suspek ay nahaharap ngayon sa kaukulang kaso. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.