Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Manilyn, Bing nilait si Janno

0 271

After 26 years, muling nagsama sa isang pelikula ang dating magka-loveteam na sina Janno Gibbs at Manilyn Reynes.

Iuto’y via Mang Jose ng Viva Films. Huli pa kasi nilang pelikula together ay noong 1996.

Bukod pa rito, kasama rin sa movie ang asawa ni Janno na si Bing Loyzaga at first time nilang magsama-samang tatlo.

As we all know ay ex-girlfriend ni Janno si Manilyn bago napangasawa ng singer/actor si Bing.

Ayon kay Janno sa digital mediacon kahapon ay siya mismo ang nag-request na makasama sa movie sina Manilyn at Bing since hindi pa nga raw sila nagkakasama-samang tatlo.

Biro nga niya, baka nga first and last time na nila itong pagsasama-sama sa isang proyekto. Nang matanong kung bakit, sagot niya, “eh kasi, pag magkasama ‘yung dalawa sa tent, si Bing saka si Manilyn, puro ako ang pinag-uusapan nila at nilalait nila, eh.”

Pero wala naman daw ilangan sa dalawang aktres at kumportable naman daw ang mga ito working with each other.

“We’re all good friends, kaming tatlo. And proof to that is pwede ko silang iwanan sa isang tent na magkasama. Hindi ko lang alam kung nag-aaway sila sa tent,” joke ni Janno.

When asked kung bakit inabot ng 26 years bago sila nagsama sa isang movie, ayon sa aktor ay wala naman daw kasing materyal. Although sa TV ay maraming beses na silang nagkaroon ng reunion project.

Sa Mang Jose ay hindi naman daw sila magka-loveteam ni Manilyn dahil kontrabida raw ang role nito.

“Actually, I requested for Manilyn for this role. It’s a different role for her. Spoiler alert, siya po ang pinaka-main villain ni Mang Jose,” pagbabahagi ni Janno.

When asked kung paano naging cast si Bing, aniya, “ako rin ang nag-request for Bing. I really wanted the 3 of us together kasi hindi pa nga nagagawa. And I think, it’s high time bago kami tumanda ng tuluyan eh magkasama-sama naman kami sa movie.”

Ang Mang Jose ay isang super-hero movie at ginagampanan ni Janno ang title role.

Pangalawang super-hero movie na ito ng singer/aktor at matatandaang ang una ay ang Pedro Penduko na dalawang beses niyang ginampanan.

Highlight daw ng movie ang kanyang costume dahil agaw-eksena raw talaga.

Kasama rin sa Mang Jose si Jerald Napoles and Mikoy Morales mula sa direksyon ni Rayn F. Brizuela.

Magkakaroon ng advance screening ang Mang Jose on Nov. 17 at ang regular showing naman simula sa Dec. 24, both on Vivamax.

Kris simple ang kasal

Ngayon pa lang ay marami na ang nag-aabang sa kasalang Kris Aquino at Mel Sarmiento. Inaasahan nga ng lahat na magiging Wedding of the Year or Century ito sa pagka-bongga.

Siyempre, Kris Aquino ‘yan, no! At bigatin din naman ang kanyang fiancé na former Secretary of the Interior and Local Government.

Pero sinabi na agad ni Kris na hindi magiging magarbo ang kanilang kasal tulad ng iniisip ng iba.

May nagkomento kasi sa Instagram post ni Kris na inaabangan na raw ang kanyang grandest wedding entrance kaya sinagot niya ito. Aniya magiging maliit lang daw ang kanilang kasal at super-private.

“I don’t mean to be a spoiler nor disappoint you, but our wedding is going to be TINY and super private. Totally not what you’re expecting,” sey ni Kris.

At any rate, sobrang excited na ang mga followers ni Kris sa pag-iisang dibdib at lahat sila’y nagsasabing masaya sila para sa kanilang idolo.

Leave A Reply

Your email address will not be published.