Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Manning agency sa UK variant patient lagot sa kaso

0 56

Maghahain ng kaso ang Quezon City government laban sa manning agency na nag-transfer umano sa dating overseas Filipino worker (OFW) na nagpositibo sa UK variant, mula sa quarantine hotel sa Maynila patungo sa isang apartment sa Barangay Commonwealth nang walang koordinasyon sa lokal na pamahalaan.

“This agency placed an entire community at risk by bringing a Covid-19 positive patient to our city, considering that both their agency and the quarantine hotel are in Manila,” ayon kay Mayor Joy Belmonte.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nagsagawa na ng testing sa nakasama nito sa apartment at contact tracing sa mga residente ng barangay kung saan nanalagi ang 35-anyos na pasyente.

Nalaman lamang umano ng Quezon City Epidemiology and Surveillance Unit nitong February 10 sa Department of Health (DOH) na ang lalaking nagpositibo sa UK variant ay nasa lungsod kaya agad naman itong inilipat sa kanilang Hope Facility ngayong February 11.

Sa ulat ng DOH noong February 5, ang lalaki na galing sa Liloan, Cebu ay kabilang sa walong dagdag na kaso ng UK variant sa bansa at active case na may mild symptom. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.