Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mannix trip si Liza Soberano

0 76

Very vocal ang CE0 at Presidente ng Prestige International na si Mannix Carancho na pangarap niyang kunin na ambassador si Liza Soberano.

Sey ni Sir Mannix bet sana nilang kunin si Liza para mag-endorse ng Prestige International pero may conflict daw sa isang ini-endorso ng aktres. Pero willing daw silang maghintay kay Liza kapag available na siya.

Sa ngayon ay kinuha niyang endorser ang mga TikTokers . Kamakailan ay pinapirma niya ng kontrata ang Pinay TikTok Queen na si Rosmar Tan.

Nandiyan din ang mga alaga ng Mannix Carancho Artist and Talent Management na ambassador ng Prestige gaya nina Bidaman/actor Johannes Rissler, Miko Gallardo,John Padilla, Jervy delos Reyes atbp. Katuwang niya si Amanda Salas bilang Marketing Director.

Sinabi pa niya na marami pang produkto ng Prestige ang madadagdag ngayong taong ito.

Samantala, si Sir Mannix ang isa sa matagumpay na batang negosyante ngayon.

Nawili rin siya sa TikTok nu’ng mabagot siya sa lockdown. Malaking factor ang pagti-TikTok niya na nawala ng kanyang hiya.

Ngayon ay sanay na siyang humarap sa kamera at welcome na rin sa kanya na mainterbyu ng press.

SM food to go Banner Ad

Hindi naman daw niya papasukin ang pag-aartista pero bukas siya sa mga oportunidad na magkaroon ng ibang endorsement at billboard.

Tinanong din namin kung sino ang inspirasyon niya sa pagnenegosyo.

Buong ningning niyang sagot na idol niya si Joel Cruz. Wish niya na makilala ito ng personal.

“Napanood ko kasi ‘yung interview niya sa YouTube.Sabi niya ambisyosa siya pero ang layo na ang narating niya. So, sabi ko kailangan ko rin mag-set ng goal, kasi dati kuntento na ako kasi lumaki ako na nandyan na yun, hindi ako lumaki sa hirap o nag-strugle sa buhay. Kasi nakakakain naman ako everyday, pag ganun kasi ang buhay mo parang kuntento ka na.

“Nu’ng napanood ko talaga si Joel Cruz, eh sabi oo nga no meron pa akong ilalaki. Pag lumaki kasi ako marami akong empleyadong matutulungan, lalaki yung capacity ko para tumulong sa mga tao kung sakaling lumaki ang business ko.

“Kasi kung pera naman madali kasi akong makuntento so okey na ako pero kung nababasa ko mga nagme-message na taong natulungan ko na dahil sa Prestige nakabili ako ng sasakyan nakakatuwa.Ang sarap sa pakiramdam na kumita na ako, nakatulong pa,” sambit pa niya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.