Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Manny di suportado si Michael sa boksing

0 298

Interesado rin pala ang pangalawang anak ni ‘Pambansang Kamao’ Manny Pacquiao sa boxing.

Pero nagbago ito ng career path matapos wala raw matanggap na suporta.

“I was into boxing for two years,” sabi ni Michael Pacquiao sa isang panayam kay entertainment writer Ricky Lo.

“But I stopped because there was no support; no one was supporting me,” aniya pa.

Nakakagulat ito, dahil panay ang pag-train ni Manny sa kanyang panganay at kuya ni Michael na si Jimuel.

Pinost pa ng fighting senator sa social media ang larawan at video ang pagsasanay nila ni Jimuel.

Samantala, naging trending si Michael dahil humanga ang mga netizen sa kanyang pag-rap sa debut song na “Hate,” na may higit 10 million views na sa YouTube. (SDC)

Leave A Reply

Your email address will not be published.