Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Manny hanga sa training ni Jimuel

0 229

Proud dad si reigning World Boxing Association (WBA) super featherweight champion Emmanuel Pacquiao sa kanyang anak na si Jimuel na todo kayod sa pag-eensayo ng boksing.

Ibinahagi ng eight-division world champion at senator sa kanyang Instagram post kahapon ang maghigit three-minute training video ng panganay na anak.

Makikita sa video na masigasig sa pag-eensayo ang batang Pacquiao na nagpamalas pa ng kanyang boxing moves.

“@pacquiao.emmanuel doing some boxing training. Proud of his hard work and dedication to get better every day.” mensahe ni Pacquiao.

Inilahad naman ni Jimuel, 19, ang kanyang mga natutunan sa training kasama ang ama.

“The most important thing I’ve learned since training with my dad is positioning and balance. He says that’s where power comes from, you know, balance, so that’s the secret of a fighter. He says his feet and balance. So, always trying to apply that every time. When I throw, I got to be balance,” lahat ni Jimuel. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.