Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Manny, Jinkee feeling Hyun Bin, Son Ye-Jin sa Switzerland

0 218

Ibinahagi ni Jinkee Pacquiao ang mga kuha nilang larawan ni Senador Manny Pacquiao habang nasa Switzerland.

Viral agad ang kanilang mga posted photos dahil na-notice ng K-drama fanatics na ‘yun ang iconic filming locations ng ‘Crash Landing On You’ sa Switzerland.

Kinuha ni Jinkee ang pagkakataon na makuhanan ang lahat ng magagandang bahagi ng location ng CLOY sa Switzerland.

May kuha pa silang mag-asawa na naglalakad habang pababa sa mountain trail na similar sa ginawa nina Hyun Bin at Son Ye-jin

Meron din silang breathtaking shots sa Lake Brienz, kung saan nagpa-piano si Lee Jeong Hyeok (Hyun Bin’s role) sa series.

Sey ng mga netizen feeling Son Ye-Jin at Hyun Bin sina Manny at Jinkee sa nasabing lugar.

Leave A Reply

Your email address will not be published.