Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Manny, Jinkee matatag sa 21 taon

0 70

NI: VINIA VIVAR

Ang tamis ng pagbati ni Jinkee Pacquiao sa asawang si Boxing champ and Senator Manny Pacquiao sa pagdiriwang ng kanilang ika-21 na anibersaryo ng kasal.

Nag-post si Jinkee ng civil wedding photos nila ng asawa kung saan ay makikitang mga bata pa sila talaga noong ikasal (in their early 20s) and that time ay baguhang boksingero pa lang si Pacman.

“God gave me, you” 21 years and counting! Grabe, how time flies. Nagpapasalamat ako sa Panginoon sa lahat, ang dami nating pinagdaanan , nalampasan ang mga pagsubok at ngayon mananatiling matatag at malakas sa gabay ng Panginoon! I love you, babe!” ang bahagi ng caption ni Jinkee.

You could feel her words dahil totoo namang napakarami na nilang pagsubok at bagyo na binuno together bago narating ni Pacman ang kinalalagyan nito ngayon. Hindi madali ang kanilang mga pinagdaanan at sa kabila nito ay nanatili silang buo bilang pamilya.

Pagtatapos pa ni Jinkee sa kanyang caption, God is good all the time! Blond pa ang hair mo @mannypacquiao ikaw murag si jimuel ako murag si queenie.”

Leave A Reply

Your email address will not be published.