Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Manny, Jinkee sobrang sweet

0 261

HINDI sinayang nina 8-time world boxing champion Manny Pacquaio at asawang si Jinkee ang mahigit tatlong buwan na panahon para sa mahahalagang sandali sa bawat miyembro ng pamilya gayundin para sa kanilang dalawa.

“Each moment is all we need,” post ni jinkee sa kanyang Instagram na @jinkeepacquiao kung saan katabi nito sa litrato ang asawa na si Manny na mahaba ang balbas dahil sa nagaganap na coronavirus pandemic.

Idinagdag pa ni Jinkee ang hashtag na #loveandchill upang ipadama ang mahalagang panahon nito na kasama ang kanyang asawa habang nagpapahinga sa mga responsibilidad nito bilang senador at bumabawi sa nawalang panahon nito para sa kanyang pamilya. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.