Abante Tonite Interactive

Manny kay Jimuel:Basketball na lang!

By
214

Nitong nagdaang linggo, pinamalas ng anak ni eight-time division world pro boxing champion Manny Pacquiao na si Jimuel ang galing sa pagboboksing.

Pero inilahad ng ‘Pambansang Kamao’ na hindi ito ang pangarap niya sa kanyang anak.

Sa panayam sa ‘The Headstart’ ng ANC, sinabi ni Sen. Pacquiao na hindi aniya makakakita ng bo­xing gloves sa kanilang tahanan dahil ayaw niyang mapalapit sa sport niya ang mga anak.

Abante Hiring – IT dep

“Ayaw namin, dini-discourage namin talaga. Sa bahay wala kang makikitang boxing gloves o boxing equipment. Basketball meron, may court kami,” ayon sa 40-anyos na mambabatas.

Hindi rin aniya dapat sumabak sa pagboboksing ang kanyang anak dahil nagawa niya lamang ito noon dahil sa kahirapan ng buhay, na malayo na sa kinalakihan ng kanyang mga supling na sagana sa buhay mula sa mga nakamit niyang tagumpay sa larangan ng bangasan ng mukha.

“Sabi ko nag-boxing lang ang daddy mo dahil sa kahirapan. Naging boksingero ako dahil sa kahirapan para masuportahan ko pamilya natin,” giit niya.

Pero hindi pa rin nagpapigil si Jimuel sa kabila ng pagiging emosyonal maging ng kanyang inang si Jinkee.

“Ang sabi niya ‘Daddy, like you, boxing is my passion also. I want to be the representative of this country as an athlete,’” kuwento ni Pacman.

Pero kung si Pacquiao naman ang tatanungin kung kanyang papayagan ang anak sa larangan niyang kinahiligan, ito ang kanyang naging tugon: “Kung gusto niya talaga eh.”