Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Manny may nakitang potensiyal sa Lacson-Sotto

0 121

Tutok politika pa rin tayo guys dahil alam niyo naman hindi na natin maawat ang paglapit ng eleksiyon na kaya dapat na patuloy ko kayong maimpormahan ng mga galawan tungkol sa mga bagay na ito.

Gaya nga lamang ng naging pasya ni dating Duterte administration Cabinet member Manny Pinol na si Manny Pinol na sumama sa Lacson-Sotto tandem sa pamamagitan ng pagkandidato bilang senador.

Aba’y bagama’t lutang na dating Duterte ally itong si Pinol, agad niyang nakita ang potensiyal ng tandem na sinalihan sa usapin ng pagpapabangon sa lugmok na kalagayan ng bansa na siguro ay hindi niya naramdaman sa grupo na pinagmulan.
Matitindi ang mga salitang pinakawalan ni Pinol bilang isa sa mga guest ng inumpisahang Lacson-Sotto meet the Press na regular nang idadaos tuwing araw ng Huwebes.

Unang binanggit ni Pinol ay kanyang obserbasyon na si Ping ang pinakahinog sa lahat ng mga kumakandidatong presidente para sa halalan sa susunod na taon.

Narito ang ilan sa mga bahagi ng dating Department of Agriculture secretary na ayon na rin sa kanyang pagsisiwalat ay napag-initan ng mga malalapit sa kusina sa Duterte administration dahil sa kagustuhan niyang kontrolin ang importasyon ng bigas upang makabawi ang mga lokal na magsasaka.

“Alam niyo, we are facing a very critical period in our history as a nation. And I believe that at this point in time, we need a levelheaded president. ‘Yung hindi panicky, ‘yung hindi gagawa ng bigla-biglaang desisyon base lamang sa bulong ng isang tao o isang grupo. And I see Senator Lacson as the most experienced candidate,”

At bagama’t hindi umano ito mapipigilan sa pagpuna si Ping kapag may maling nakikita sa pamamalakad sa gobyerno, kahit minsan ay hindi ito namersonal.

“Since kaibigan ako ng presidente, ayaw kong tirahin siya, kasi kaibigan ko e. And I was looking for a presidential candidate na although pumupuna ng kakulangan, kahinaan at dapat gawin sa gobyerno ay hindi tumitira nang personal, at nakita ko ‘yon kay Senator Ping Lacson,”

Hindi nga rin napigilan si Pinol na banggitin ang iba pang presidentiables.

“Kaibigan ko si Manny Pacquiao, kaibigan ko si Isko Moreno, I consider Bongbong as a friend of mine; although hindi ako masyadong close kay Vice President Leni, I respect her. But among all of these presidential candidates, I see Ping Lacson as the most mature among the present candidates.”

Buo rin aniya ang desisyon ni Lacson sa mga panahon ng krisis na gaya ng nararanasan ng bansa sa kasalukuyan.

At eto ang pinakamatindi, pagdating sa situwasyon ng kagipitan, nakikita ni Pinol na si Lacson ay hindi natataranta.

“And you know, in a crisis situation, I would go to somebody who makes decisions hindi haphazardly kundi buo ‘yung kanyang paniniwala sa isang bagay based on what we call the complete staff work. So, that’s the reason why si Senator Lacson actually ang sinamahan ko,” ayon pa kay Pinol.

Malinaw na tip na po ‘yan bilang bagay sa pagboto natin sa Mayo sa susunod na taon.

Leave A Reply

Your email address will not be published.