Abante Tonite Interactive

Manny nagpersonal trainer kay Jimuel

368

Mukhang desididong sundan na talaga ni Jimuel Pacquiao ang yapak ng kanyang amang si eight-division world champion Manny Pacquiao nang makita itong nag-eensayo kasama mismo ang ama.

Sa mga litrato at video na pinost ni Senador Pacquiao sa Instagram nitong Martes, makikitang alalay si Manny sa paglalagay ng hand wraps sa kamay ng anak at nagpamalas pa ng kanyang mga techinique sa boxing.

Makikita rin sa video na may caption na “The future!” na tinuturaan pa ng Pambansang Kamao ang batang Pacquiao ng proper footwork at hitting styles sa shadow boxing nito.

Sa Instagram video naman na pinost ng maybahay nito na si Jinkee, kuha ang pagiging coach ni Manny kay Jimuel.

“Gatan-aw ko nila pero kahilakon nako kaayo. Ang akong anak gusto gyud mag-boxing! Ang amahan niingon intawon nga ‘Babe naa na gyud tay boxer!” dili man gyud papugong! Oh, Lord, Your Will be done in my son’s life! I know he can do all things through You who strengthens him. To God be the glory! @mannypacquiao #daddycoaching,” caption ni Jinkee.
(Janiel Abby ­Toralba)