Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Manny pasiklab sa mga sparmate

0 107

Napanganga ang mga sparring partner ni People’s Champ Manny Pacquiao sa bilis at lakas ng kamao ng eight-division world champion.

Mas bata at kasinglaki ng makakalaban ni Pacquiao na si Errol Spence Jr. ang mga kinuhang sparring partner na sina Maurice Lee (29-anyos) at Alexis Rocha (24).

Sa panimulang sparring session sa Wild Card Gym sa Los Angeles, California ay tigalawang round si Pacman kina Lee at Rocha kung saan paghanga ang naghari sa dalawa matapos makipagpalitan ng sapak sa Pambansang Kamao.

“I thought since he had just flow in from the Philippines, he would be a little tired and I could catch him with a few shots,” pahayag ni Lee. “But he was sharp, elusive, and unpredictable. Video tape does not prepare you for his speed and the angles he fights from. His punches were coming from everywhere. Calling him elite would be an understatement.”

“Manny has a very awkward style to fight because his punches come from all directions. He has fast and heavy hands, and he throws punches in bunches,” wika naman ni Rocha.

Hindi pipitsugin ang mga sparring partner ni Pacquiao sapagkat hawak ni Lee ang record na 12-1-2, 5 KOs, habang 17-1, 11 KOs naman ang record ni Rocha.

Bukod sa kasinglaki, parehas ding kaliwete ang dalawa, tulad ng makakalaban ni Pacquiao na si Spence sa Agosto.

Leave A Reply

Your email address will not be published.