Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Manny pumiyok sa galit ng LGBTQ

0 123

Ngayong nagdeklara na nga si Sen. Manny Pacquiao ng kanyang kandidatura bilang Pangulo ng bansa sa darating na 2022 elections, naalala na naman ng LGBTQ community ang controversial statement noon ng Senador patungkol sa gays.

Isa na nga sa unang-unang nag-tweet ay si John Lapus matapos ang announcement ni Pacman last Sunday.

“Mga bakla! Wag kalimutan, sinabihan tayo nyan ng “Masahol pa sa Hayop” tweet ni John.

Ang daming sumagot na netizens na hindi raw nila iboboto ang boxing champ dahil dito at sa iba pang kadahilanan.

Matatandaang noong 2016 ay matapang na naglabas ng saloobin si Pacman hinggil sa mga gays at sinabing “worse than animals” ang homesexuals.

Sa latest YouTube vlog ni Toni Gonzaga na Toni Talks kung saan ay kinapanayam niya si Sen. Pacquiao ay isa ito sa mga bagay na nilinaw ng vlogger/TV host.

“Mainit kasing masyado ang statement ko na ‘yun,” pag-amin ni Pacman. “Ang sinasabi ko parati, hindi ko kino-condem ‘yung mga gay, mga LGBT. May mga pamangkin akong LGBT, ang dami kong LGBT na workers sa bahay ko, kahit ‘yung mga kapatid ko,” paliwanag niya.

Patuloy pa niya, “as a person, hindi mo sabihin na galit ka sa kanya, kinokondena mo siya. Who am I to judge a person, ‘di ba?”

Nilinaw niyang mahaba ang statement niyang iyon at pinagdugtong-dugtong daw ang magkakaibang phrases.

Tanong ni Toni, “pero naniniwala po kayong God loves them also?”

Sagot ng People’s Champ, “exactly. Lahat tayong tao, kawangis ng Panginoon. Maganda ‘to kasi napapaliwanag ko. Ang gusto kong sabihin is hindi ko kino-condemn sila. Actually, mas maganda ngang kaibigan, kasama, katrabaho ‘yang mga (LGBTQ). Masisipag at saka masaya. Magaling silang mag-isip tapos, masisipag, ganyan.”

Kung matatandaan din ay humingi naman agad ng patawad noon si Pacquiao sa kanyang mga nasabing hindi maganda about LGBTQ community.

“Nais ko pong humingi ng paumanhin sa lahat ng nasaktan dahil sa aking pagkumpara sa tao sa hayop. At yun po ay kamalian ko at ako ay humihingi ng paumanhin sa lahat ng mga nasaktan,” ang pahayag noon ni Pacman.

Gabby nagbebenta ng sasakyan

Tila hindi makapaniwala ang ilang netizens sa latest Instagram post ni Gabby Concepcion. Ibinebenta ng aktor sa murang halaga ang kanyang camper van.

“Parting is such SAD SORROW.🙁💦 Ready to let go. Thankyou for all the ADVENTURE thru the years.

“Is anyone ready to go camping? DM me for more information.

(serious buyers only). 399k only,” ang caption ni Gabby.

Makikita sa short video ang larawan ng Roadtrek niya na bagama’t 1994 model ay mukhang bagong-bago pa at halatang well-maintaned.

Sa comment section ay may nagtanong kung presyo ba o odometer ang 399K.

“Hi Gab! 399K is your price or the mileage odometer?” tanong ng netizen. Sadly ay walang sagot si Gabby.

Ang dami namang agad na nagpakita ng interes sa sasakyan at nagpasabi na bibilhin nila ito.

Leave A Reply

Your email address will not be published.