Abante Tonite Interactive

Manny sapaw kay Floyd

519

Namayagpag na naman ang pangalan ni Floyd Mayweather Jr nang tanghaling ‘Boxer of the Decade’ ng mga miyembro ng Boxing Writers Association of America (BWAA).

Todo pasalamat naman sa mga ­boxing writer ang undefeated boxer.

“Thank you to the Boxing Writers Association of America for voting me Fighter of the Decade,” saad ni ‘Pretty Boy’ sa lumabas na ulat sa BoxingScene.

“I am honored to be recognized by the media who covered my career throughout its many decades,” dagdag pa nito kung saan naungusan niya sa nasabing titulo si ‘Pambansang Kamao’ Manny Pacquiao.

Bukod kay Manny, nadaig din ni Floyd sa parangal sina Conor McGregor, Canelo Alvarez, Shane Mosley, Victor Ortiz, Miguel Cotto, Marcos Maidana, Andre Berto at Robert Guerrero. (Aivan Episcope)