Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Manny talunan pero sinaluduhan

0 125

Hindi man nasungkit ang WBA super world welterweight title laban kay Yordenis Ugas ng Cuba nitong Sabado (Lingo sa Maynila), bumaha pa rin ng mga papuri para kay Emmanuel ‘Manny’ Pacquiao mula sa mga sikat na kapwa atleta sa pangunguna ni 2020+1 Tokyo Olympic women’s weightlifting gold medalist Hidilyn Diaz.

“Legend ka pa rin para sa amin, Sen. Pacquiao. Salamat po!” ani ni Diaz sa kanyang Facebook page kahit lumasap ang Pambansang Kamao ng unanimous decision loss sa bakbakan sa T-Mobile Arena sa Las Vegas, Nevada.

Nagpaabot rin Pinoy ring icon ng pagsaludo ang mga kapwa boxer at cager.

Kasama rito sina American undefeated lightweight champion Ryan Garcia, na minsang naging matunog na makakalaban noon ni Pacman. “Pacquaio will forever be my favorite fighter and inspiration.”

SM food to go Banner Ad

Saad ni two-division champ Danny Garcia, “Ugas fought a great fights. Props to Manny for taking on a tough challenge still a legend.”

“Love both fighters… but Ugas won that figh, sey ni six-time NBA All-Star Damian Lillard.

Matapos ang bakbakan, inamin ni Pacquiao na hindi siya nakapag-adjust sa ring dahilan ng kanyang pagkatalo at pinulikat din simula sa second round. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.