Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Manny tatabo ng P2B vs Crawford

0 70

Mas malaki ang tsansang patulan ni Pinoy ring icon Manny Pacquiao si Terence Crawforddahil may presyo nang nakalatag dito.

Inamin ni fighting senator Manny na nakausap na niya si Top Rank boss Bob Arum hinggil sa posibleng kikitain kapag si 33-anyos Crawford ang kanyang makakaupakan, base na rin sa lumabas na ulat sa The Daily Tribune.

Sakaling umarangkada, tumataginting na $40M (P1.92B o halos P2B) ang kikitain ni Pacquaio habang ang Kano namang si Crawford ay makakahirit ng $10M o P480M.

“We told Bob I get $40 million and Crawford gets $10 million,” saad ni Pacman sa nasabing report.

Sa ngayon ay hawak ni Crawford ang unbeaten record na 37-0 habang bitbit naman ng ‘Pambansang Kamao’ ang 62-7-2 kartada.

Kamakailan naman ay hinubad ng World Boxing Association (WBA) ang isinabit sa kanyang super welterweight champion belt matapos talunin si Keith Thurman noong Hulyo 2019 dahil sa inactive status nito sa ring. (Aivan Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.