Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Manny unang sasalang sa vaccine

0 91

NI: ARCHIE LIAO

Kung pagbabatayan ang survey, marami pa ring Pinoy na takot magpabakuna laban sa COVID -19 sakaling magiging available na ito sa merkado.

Hirit nila, hindi pa rin daw kasi sila sigurado kung safe ang nasabing bakuna.

May ilan pa ngang iginigiit na ang mga politiko muna ang sumailalim sa pagbabakuna bago ang taumbayan.

Pero ayon kay Pinoy boxing legend at Senador Manny Pacquiao, willing siyang sumalang sa “vaccine challenge”at manguna sa tatanggap ng bakuna.

“Pag na-approve na ‘yan, may vaccine na, ako muna magpa-vaccine para bago ang sambayanang Pilipino, bago ang mahihirap,” pahayag ni Pacman.

Aniya, gagawin daw niya ito kesehodang galing pa sa China ang naturang vaccine.

Ayon sa ulat, ang unang COVID-19 vaccine na darating sa bansa ay manggagaling sa mga Tsino.

Sa kaso naman ni Pangulong Duterte, nagpahayag din siya ng kahandaang magpabakuna kapag nakakuha na ng clearance na magamit ito sa bansa.

Leave A Reply

Your email address will not be published.