Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Manobo tinumba ng NPA

0 73

Pinagbabaril ng mga hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang isang lalaking Manobo sa Brgy. Magroyong, San Miguel, Surigao del Sur noong Sabado.

Kinilala ang biktima na si Boy Maca Astudillo, 47-anyos.

Ayon sa ulat, kasama ng biktima ang kanyang 11-anyos na anak nang paulanan ito ng bala ng tatlong armadong indibiduwal.

SM food to go Banner Ad

“Based on the testimony of my cousin’s son who witnessed the incident, one of the three NPA rebels fired an AK-47 rifle at the victim three times. He shouted at them to stop and wanted to help his father but the two other insurgents tightly held him,” pahayag ni Datu Rico Maca, kinatawan ng mga Indigenous People sa San Miguel.

Ikinasa na ng pulisya ang follow-up operation upang mahanap ang tatlong suspek, na dalawang lalaki umano at isang babae. (Mark Joven Delantar)

Leave A Reply

Your email address will not be published.