Abante Tonite Interactive

Manok at baby girl

195

Dear Dreamcatcher,
Good day! Nanaginip po ako na may dala akong inahing manok.Dinalo ko daw ang manok sa bahay ng kaibigan ko.

Noong una, mabait lang ang manok tapos nilagay ko sya sa malaking plastik para di maglikot pero ako po ay hinabol at tinuka nya. Hinawakan ko ang manok at tinangal ang pagkakatuka sa aking balat. Hinabol ko ulit ang manok. Tapos ay nakita ko na may karga akong baby.

Papadedehen ko daw ng milk formula ang baby at nakita kong kamukha nya ang anak ko. Babae yung baby.
Thank you po,
Valerie

Abante Hiring – IT dep

Dalawang simbolismo ang nasa iyong panaginip: ang inahing manok at ang baby girl na karga mo.

Ang inahing manok sa panaginip ay konektado sa iyong pagiging ina at sa iyong nurturing side.

Ang ina ay siyang kuma­kalinga at nag-aaruga sa pamilya. Ganito rin naman ang inahing manok na na­ngingitlog at nagkakaroon ng mga sisiw. Nakikita natin ang mga inahing manok kung paano nila i-nurture o alagaan ang kanilang mga sisiw.

Nakikita nating kung may panganib sa kanilang mga sisiw ay ipinapasok ng inahin sa ilalim ng kanyang mga pakpak ang lahat ng kanyang mga sisiw—ganito kaalaga ang isang inahing manok. Ganyan din mag-alaga ang isang ina.

Batay naman sa ilang makalumang paniniwala, ang panaginip tungkol sa buhay na manok ay isang positibong panaginip na nagpapahiwatig ng suwerte.

Sa iyong panaginip ay tinuka ka ng manok pero walang dapat ipag-alala rito dahil ginagawa lamang ito ng manok partikular ng isang inahing manok kung may nararamdaman siyang threat o panganib sa kanyang mga sisiw.

Kung ikokonek mo sa iyong aktuwal na buhay, dapat mo ring tingnan kung nakakaramdam ka ng threat para sa iyong pamilya. Kung may pag-aalala kang pinagdaraanan para sa mga anak mo.

Ang panaginip naman tungkol sa isang sanggol ay representasyon ng isang bagay o tao na mahalaga sa iyo. At bilang ina, may mas mahalaga pa ba kumpara sa ating pamilya? Ang sanggol ay nangangailangan ng pagkalinga at dito na naman pumapasok ang iyong protective instinct bilang ina.

Ang panaginip tungkol sa isang sanggol ay isang positibong panaginip lalo na kung nakita mo namang malusog ang sanggol na ayon sa iyo ay kamukha ng iyong anak.

Ang iyong panaginip ay indikasyon na nakapokus ka sa iyong buhay pamilya at laging nangingibabaw ang iyong pagiging ina at dito mo mahahanap ang pinakamalapit na interpretasyon ng iyong panaginip.
Dream Catcher

DISCLAIMER: Ang DREAM CATCHER ay nagbibigay lamang ng general information tungkol sa mga kahulugan ng ating pana­ginip.

Wala itong kinalaman sa relihiyon, kulto o anumang ispiritwal na aspeto ng buhay. Sa mga gustong isangguni ang kanilang panaginip, mag-email sa abantedreamcatcher@gmail.com.