Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Manok, baboy ng Malaysia, 3 pang bansa hinarang

0 315

Pansamantalang pinagbawal ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng baboy at manok mula sa apat na bansa dahil sa mga outbreak.

Sa Memorandum Order 20-2021 na inilabas ng DA, ang mga domestic at wild pig, at mga produkto nito kabilang na ang karne ng baboy, balat ng baboy at semilya nito na mula sa Malaysia ay pansamantalang ipinagbawal dahil sa African Swine Fever outbreak.

SM food to go Banner Ad

Gayundin sa Memorandum Orders 21, 22, 23-2021, ipinagbawal ang pag-aangkat ng domestic and wild bird kabilang na ang karneng manok, sisiw, itlog at semilya nito na mula sa Sweden, France at Denmark matapos namang maiulat ang mga outbreak ng highly pathogenic avian influenza ng H5N8.

Dahil dito, anumang produktong baboy at manok mula sa apat na nabanggit na bansa ay kukumpiskahin kapag ipinasok sa Pilipinas. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.